By Toni Cruz
(Caution: Work in progress)
Medyo matagal-tagal ding hindi ako nakapag-commute mag-isa. Hindi naman ako anak mayaman. Yung ok lang. Yung tipong may kotse pero kailangan kong pagtrabahuan ang pang-gas. Minsan pag may budget, 500 Unleaded. Pag kulang ang budget, 300. Pag wala talagang budget, utang or sasagarin ko siya hanggang makarating sa bahay. Awa ng Diyos, hindi pa naman ako natitirikan. At bilang walang gas yung sasakyan, kinabukasan, makakarinig na ko ng malakas at matinis na pagalit mula sa Nanay ko. Na hindi nagbabago, kabisado ko na nga eh – “Sinabi nang wag mong paaabutin ng 1/4th yung gas! Masisira yung sasakyan! Buti kung may pambayad ka! Hindi mo iniisip yung mga gastusin! Mas mapapamahal pa pag nasira yan!” With matching Tsk at pagkakamot ng ulo or pagbubura ng mukha. Minsan, yun ang nagiging alarm clock ko. Kahit hindi ko pa kailangang gumising.
Ngayon nagco-commute uli ako, not by choice. Kailangan lang talaga dahil kailangang gamitin ng mga magulang ko ang kotse. Nasira kasi yung ginagamit nila. At bilang anak lang ako shempre kailangang magparaya sa mga magulang.
Day 1 – Rode a jeep going to work. The last time I rode a jeep from Fairview to Philcoa, 7 or 10 pesos lang yata. But no! Ngayon, 15 pesos na! At bilang nagmamadali ako nung araw na yun at mabigat ang dala kong bag, mega-para ako sa unang jeep na nakita kong walang sakay sa harap. Gusto kong sumasakay sa harap kasi at least 3 lang kayo. Si manong driver, ako at if ever yung isa pang makikisiksik sa harap. Sinwerte ako ng araw na ito dahil walang mashadong tao sa kalsada, so solo ko ang upuan sa harap. Pero malas din dahil mainit at maalikabok. Traffic pa so ang lagkit at pawis factor eh bonggang-bongga. Aburido pa si Manong Driver dahil walang sumasakay kahit na tinigilan na yata nya bawat kantong makita niya na may tao. Tapos meron pa siyang sakay na papuntang Alabang na supposedly eh dapat bumaba na sa may SM Fairview. At bilang may pagka-masama ng konti ang ugali ni Manong, ibiniba niya ang mag-ina sa kalagitnaan ng Commonwealth.
Ang upsound ni Ate: “Baka naman gabi na kami makasakay dito ha?” Upsound ni Manong: “Bakit naman kayo gagabihin? Dapat nga sa may SM Fairview pa kayo bumaba eh!” Ate: “Aba’y malay ko hindi ko alam eh!” Padabog siyang bumaba hilahila ang anak. Napailing si Manong driver. Ako: Tingin sa labas, dahil ayokong kausapin ako ni Manong dahil hindi ko rin naman alam ang isasagot sa kanya if ever. Kaya nagsalita na lang siya mag-isa. Read the rest of this entry »